Bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, pumalo na sa 1,044

40

Umakyat na ngayon sa 1,044 ang kabuuang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19.

Sa huling datos mula sa Philippine National Police (PNP) kagabi, nakapagtala ng 38 na bagong nagpositibo sa virus.


Sa nasabing bilang, mayroong 462 na pulis na naka-recover o gumaling na sa sakit.

Nananatili naman sa siyam ang COVID-19 related deaths.

Ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP ay 651 at 1,364 naman ang suspected case.

Facebook Comments