Bilang ng mga pulis na sinibak sa ilalim ng Duterte administration, umabot na sa higit 5,000

Umabot na sa 5,178 na pulis ang sinibak na sa serbisyo simula pa noong unang taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nitong Hunyo lamang nang magpositibo sa ipinagbabawal na gamot ang 84 na police officers na agad ding inalis sa serbisyo.

Habang 28 naman ang inaresto dahil sa kaugnayan ng mga ito sa narcotics.


Maliban dito, 50 jail officers at 16 fire officers na rin ang na-dismiss na sa kanilang serbisyo.

Facebook Comments