Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 9,809

20

Umakyat na sa 9,809 ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos madagdagan ng 52 na mga panibagong kaso ng sakit.


Base sa inilabas na datos ng PNP, 9,269 sa nasabing bilang ang naka-rekober matapos makapagtala ng 25 na panibagong gumaling sa virus habang nananatili sa 28 ang bilang ng mga nasawi.

Kasalukuyang mayroong 512 na aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng kapulisan.

Facebook Comments