Bilang ng mga registered online retailers sa DTI, umabot na sa 68,000!

49

Nagkaroon ng biglaang pagtaas sa bilang ng mga nagpaparehistrong bagong online businesses dahil sa lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.


Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Mary Jean Pacheco, nasa 68,000 online retailers na ang nakapagparehistro ngayong Agosto.

Noong Mayo pa lamang, nakapagtala na ang DTI ng 9,692 registered internet retailers na halos 450% na mas mataas sa 1,753 mula Enero hanggang kalagitnaan ng Marso.

Habang noong Hunyo, 33,000 ang mga bagong nagparehistro.

Kaugnay nito, plano ng DTI na i-update ang e-commerce roadmap nito para matutukan ang kanilang retail security at speed.

Facebook Comments