Nasa 48,630 na mga residente sa Asingan ang na-i-rehistro na sa National ID System ayon sa datos ng Philippine Statics Authority Pangasinan.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng PSA Pangasinan, umabot na sa 84.12% ang mga nagparehistrong residente sa naturang National ID.
Makatutulong ang pagkakaroon ng National ID na mabigyan ng pagkakataon ang low-income families na makapagbukas ng kanilang mga account sa bangko. Mapapadali rin nito ang pagbibigay ng serbisyo publiko.
Samantala, patuloy naman ang registration ng Philippine National ID sa iba pang lugar sa probinsya at hinihikayat ang mga hindi pa nakapagparehistro. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments