Bilang ng mga sasakyan sa EDSA, lumampas na sa pre-pandemic – MMDA

Lumampas na sa pre-pandemic level ang volume o dami ng mga sasakyan sa EDSA kada araw habang papalapit ang holiday season.

Sa isang panayam, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na sumampa na sa 417,000 noong November 24 mula sa 405,000 ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA kada araw.

Dagdag pa ni Artes, naglatag na sila ng preventive measures para sa inaasahang pagdami pa ng mga naturang sasakyan.


Samantala, muling nanawagan naman ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko na samantalahin ang 24/7 libreng sakay sa EDSA bus carousel.

Facebook Comments