Umaabot na sa higit apat na libong mag-aaral sa Dagupan City ang nabebenipisyuhan ng scholarship program bilang tulong sa kanilang edukasyon.
Sa State of The City Address o SOCA, Ibinahagi ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, ngayong enrollment ng second semester ng taon, nasa 4,452 na college student ang nakasama sa scholarship program.
Aniya, isa ang scholarship program sa pinakamagandang ipinuhunan ng lokal na pamahalaan upang matiyak na mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Dagupeño na makatapos ng pag-aaral.
Bukod pa rito ay nagbibigay rin umano ang mga magsisipagtapos sa kolehiyo na may latin honors o naging mahusay na dagupeñong estudyante ng cash incentives bilang pagkilala sa kanilang pagpapahalaga sa inilaang scholarship grant para sa kanila.
Patuloy pa umanong sinisikap ng lokal na pamahalaan na mapagtuunan pa ng pansin ang iba pang pangangailangan pagdating sa edukasyon tulad ng mga school infrastructure at projects. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨