BILANG NG MGA SENIOR SA REGION 1 NA NATURUKAN NG 1ST BOOSTER DOSE NASA HIGIT ISANG DAANG LIBO

15
Aabot sa 159, 849 Senior Citizen ang nabakunahan na sa buong rehiyon uno ng kanilang 1st booster dose sa tala na inilabas ng Department of Health-Center for Health Development 1.
Ayon kay DOH Ilocos Assistant Regional Director Dr. Helen Tobias, hinikayat nito ang mga indibidwal na magpaturok pa ng booster dahil hindi lamang sarili ang mabibigyang proteksyon kundi pati na rin ang pamilya.
Dagdag pa nito, target ng kanilang ahensya na ilapit pa sa publiko ang mga vaccination site kung kayat bukod sa house-to-house vaccination, magtatalaga din ang ahensya ng vaccination site sa mga Pamilihang bayan, mall, terminal, at komunidad.

Samantala, nasa P8-milyon na ang naiturok na bakuna sa mga residente ng buong rehiyon uno. | ifmnews
Facebook Comments