Patuloy na umaarangkada ang pag-iinstall ng solar street lights sa iba’t-ibang bahagi sa lungsod ng Dagupan.
Hanggang sa kasalukuyan, mula ng ilunsad ang Bagong Enerhiya sa lungsod, nasa mahigit tatlong daang streetlights na ang nainstall sa mga kakalsadahan, mga barangay, eskwelahan, maging sa mga kasulok-sulukang bahagi ng syudad.
Layon nitong mapanatili ang kaligtasan ng mga residente laban sa mga posibleng mangyaring insidente sa madidilim na lugar, maging magbigay-liwanag sa mga daanan.
Samantala, ikinatuwa ng ilang Dagupeños ang pagliwanag ng ilang mga kakalsadahan lalo na ang mga higit nadadaanan.
Sakaling may kaugnay na concern, tumawag sa 09214819411. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments