Bilang ng mga stranded na pasahero dahil sa Bagyong Auring, nabawasan na

31

Bumaba na sa 4, 527 ang bilang ng mga stranded na pasahero, drivers, at cargo helpers sa mga pantalan bunga ng bagyong Auring.

Kinumpirma naman ng Philippine Coast Guard o PCG na nasa 61 vessels, 4 motorbancas at 1,739 rolling cargoes naman ang stranded sa mga pantalan sa Northern Mindanao, North Eastern Mindanao, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas, Bicol at Southern Tagalog.


Habang mayroon namang, 117 vessels at 96 motorbancas ang naka-shelter bilang precautionary measure sa posibleng maging epekto ng bagyo.

Tiniyak naman ng PCG ang 24/7 monitoring sa gitna ng sama ng panahon.

Handa na rin ang kanilang deployable response groups upang ideploy sa mga apektadong lugar para sa posibleng evacuation o rescue operations

Facebook Comments