Bilang ng nagkasakit ng COVID-19 sa Quezon City, nadagdagan ng 234

25

Nadagdagan ng 234 ang bilang ng mga kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa impormasyon na inilabas ng Quezon City Health Office, umakyat sa 10,404 ang kumpirmadong COVID-19 cases sa lungsod.

Mula sa naturang bilang, 2,558 ang aktibong kaso ng COVID-19.

May naidagdag na 299 na nakarekober na sa sumatutal ay 7,441 na ang gumaling.

Anim naman ang naidagdag sa bilang ng binawian ng buhay kaya ngayon ay 405 na ang nasawi.

Facebook Comments