Bilang ng naitalang firecracker related injury, umakyat na sa 288

34

Umakyat na sa 288 ang bilang ng fireworks related injuries na naitala ng Department of Health (DOH) simula December 21 hanggang January 3.

Base sa pinakahuling datos mula sa DOH, 27 ang nadagdag mula sa NCR, 5 mula sa Region VI, VII, III. 3 mula sa Region I, XII at IV-A at 1 mula sa Region IX.

Sa 288 na kaso na ito, 2 dito ay fireworks ingestion.

230 dito ang nasabugan, 10 sa mga ito ay blast with amputation.

Habang 76 ang nagtamo ng eye injury.

Nangunguna pa rin sa sanhi ng mga aksidenteng ito ang mga ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, kwitis, piccolo, triangle, lusis maging ang 5-star.

231 sa mga pasyenteng ito ay nasa edad 2 hanggang 75 taong gulang, karamihan ay lalaki.

Ayon sa Heath Secretary Francisco Duque III, ang mga kaso na ito, mas mababa pa rin ng 218 kaso 43% kumpara sa bilang ng kaso ng fireworks related injury na naitala noong 2018 sa kaparehong panahon.

Facebook Comments