Bilang ng nakarekober sa Pasay City, umabot na sa higit 96%

18

Umabot na sa 96.33% na ang nakarekober sa COVID-19 sa lungsod ng Pasay.

Ito’y katumbas ng bilang na 13,482 ang gumaling sa COVID-19.


Nasa 30 ang bagong recoveries, habang nasa 143 o 1.02% naman ang active cases sa lungsod kung saa 21 dito ay bagong mga kaso.

Ang kabuoang bilang ng kumpirmadong kaso ay 13,996.

Nagpapatuloy ang mga COVID-19 efforts ng pamahalaang panglungsod kabilang dito ang mas aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR Testing, isolation and treatment at pagdedeklara ng mas maigting na Community Quarantine sa mga apektadong barangay.

Apela ng LGU sa mga residente, makipag-kaisa upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad.



Facebook Comments