Bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, nasa 144 na

28

Pumalo na sa 144 ang kabuuang bilang ng nasawi sa Lungsod ng Mandaluyong ng dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ngayong umaga matapos madagdagan ito ng isa kagabi.

Nadagdagan din ng 67 ang kabuuang bilang ng recoveries sa lungsod kung saan umabot na ito ngayon sa 3,610.

Habang ang active cases ng COVID-19 sa lungsod ay nasa 561 na, bumababa ito ng walo kumpara sa kahapon na bilang.

Pero ngayong umaga, ang naitalang kabuuang bilang na kumpiramdadong kaso ng COVID-19 ay nasa 4,315 na simula ng magkaroon ng kaso ang lungsod ukol dito at muling nadagdagan ng 60 sa nakalipas na 24 hours.

Mataas pa rin ang kabuuang bilang ng suspected cases sa lungsod na nasa 1,504 na at 27 lang ang kabuuang bilang ng probable cases.

Facebook Comments