BILANG NG NASAWI DAHIL SA DENGUE SA PANGASINAN, NASA LABINDALAWA NA

Pumalo na sa 12 ang nasawi dahil sa dengue sa Pangasinan, mula Enero hanggang 9 ng Hunyo ngayong taon.

Sa datos ng Pangasinan Provincial Health Office, umabot na sa 1,371 ang kaso ng dengue na mas mataas ng 129% mula sa 598 sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Pangasinan PHO Aedes Borne Viral Disease Program Manager Eugenio Carlos Paragas, karamihan sa nasawi ay mga bata, diumano ilan sa mga dahilan na tinitignan ay ang mga pag-uulan, na nakatutulong sa pagbi-breed ng mga lamok.

Samantal, binabantayan naman ng awtoridad ang mga bayan ng Rosales, Sta. Barbara, Calasiao, Lingayen, Mangaldan, Asingan, San Fabian at Alaminos City.

Dahil dito, muling inactivate ng awtoridad ang mga dengue fast lanes sa mga pampublikong ospital upang agarang matagunan ang nasabing sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments