Bilang ng nasawi dahil sa Novel Coronavirus, umakyat na sa 56

82

Umakyat na sa 56 ang bilang ng mga nasawi dahil sa 2029 Novel Coronavirus.


Ayon sa National Health Commission, 52 sa mga nasawi ay mula sa Hubei Province, dalawa sa Henan Province, isa sa Heilongjiang at isa sa Hebei.

Bukod dito, nakapagtala na rin ng 1,975 na kaso ng sakit.

Sa bilang na ito, mahigit 600 kaso na ang nadagdag ngayong araw lamang.

Samantala, nakapagtala na rin ng posibleng kauna-unahang kaso ng N-Cov sa Canada.

Ayon sa Toronto Public Health Department, Canadian Citizen ang carrier ng virus na nagbalik bansa mula Wuhan.

Nauna nang nakapagtala ng kaso nito sa Amerika, France, Australia, Thailand, Japan, Hong Kong, Veitnam at South Korea.




Facebook Comments