Bilang ng Nasawi na Positibo sa COVID-19 sa Cagayan, Umabot na sa 32

22

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan ng isa ang bilang ng mga nasawi na psoitibo sa COVID-19 sa probinsya ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Provincial Health Office, sa kabuuan ay mayroon ng tatlumpu’t dalawa (32) ang nasasawi sa buong lalawigan ng Cagayan.


Ang pinakabagong death case ay mula sa bayan ng Solana na naitala nitong ika-4 ng Pebrero.

Siya ay si CV 7627, isang senior citizen na may mga comorbidities gaya ng hypertension, diabetes, at renal disease.

Sa kasalukuyan, 260 ang active cases sa probinsiya.

Facebook Comments