Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa hanay ng PNP, nadagdagan

39

Isang pulis na naman ang nasawi matapos maging infected ng COVID-19.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service, nasawi kahapon ang 55-anyos na lalaking Police Non-Commissioned Officer (PNCO) mula sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region.


Kaya umaabot na ngayon sa 22 ang PNP personnel na namatay dahil sa COVID-19.

Pero good news dahil nadagdagan ng 40 kahapon ang mga gumaling sa COVID-19 kaya aabot na sa kabuuuang 6,276 ang recoveries sa hanay ng PNP.

Samantala, 30 naman ang nadagdag sa mga bagong kaso sa PNP kaya’t umakyat na sa kabuoang 6,276 ang COVID cases sa PNP.

Sa bilang na ito, 636 ang active cases.




Facebook Comments