Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa United States, pumalo na ng higit 250,000

90

Pumalo na sa 250,029 ang bilang ng nasawi sa United States dahil sa COVID-19 na siyang pinakamataas na naitala sa buong mundo.

Base sa datos ng Johns Hopkins University, bukod sa pagtaas ng bilang ng nasawi lumobo na rin ang bilang ng tinatamaan ng virus na nasa 11.6 milyon na.


Kaugnay nito, sinabi ni top US Infectious Diseases Dr. Anthony Fauci na tila nasa maling direksyon ang ginagawang pag-iingat ng kanilang mga kababayan kaya’t inaasahan niya na madaragdagan pa ang bilang ng mga nasasawi sa virus lalo na’t lumalamig na ang panahon sa kanilang bansa.

Muli rin siyang nananawagan sa kaniyang kababayan na doblehin ang pag-iingat at palaging magsuot ng face mask, pairalin ang physical distancing at iwasan na rin ang matataong lugar upang hindi na dumami pa ang bilang ng positibo sa COVID-19 gayundin ang mga nasasawi.

Facebook Comments