Bilang ng nasawi sa nangyaring landslide sa Ifugao, umakyat na sa 9 na katao

29
Courtesy: Mark Villar Facebook Page

Siyam na katao na ang naitalang nasawi sa Banaue, Ifugao matapos ang nangyaring landslide noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses.

Ito ang kinumpirma ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar kung saan ang 5 dito ay empleyado ng ahensya.


Sa Facebook post ng kalihim, tinawag na mga bayani sina Roldan Pigoh, Joel Ballag Chur-ig, Johnny Duccog, Julius Gulayan, at John Mutug Limoh na pawang nasawi sa nasabing trahedya.

Base sa salaysay ni Philippine National Police (PNP) Ifugao Provincial Director Police Colonel David Mariano, nasa kalagitnaan ng clearing operations ang mga ito nang sumilong sa isang abandonadong bahay kasama ang iba pang biktma.

Dahil sa lakas ng ulan, tuluyang gumuho ang lupa dahilan para matabunan ang mga ito.

Kasunod nito, nanawagan naman ng panalangin si Villar para sa mga kasama sa ahensiya na nasawi.




Facebook Comments