Bilang ng nasawi sa pagbaha sa Germany, umakyat na sa 188

Umabot na sa 188 ang bilang ng mga nasawi matapos ang malawakang pagbaha sa Germany.

Kabilang dito ang 110 na katawan na natagpuan sa Ahrweiler sa timog na distrito ng Cologne.

Ayon sa otoridad, nanatili pa ring lubog sa baha ang karamihan sa mga komunidad na naapektuhan ng malakas na pag-ulan.


Samantala, patuloy pa rin ang paghahanap ng rescue sa mga nawawalang indibidwal.

Ito ang pinakamalalang baha na naitala sa Germany sa loob ng halos anim na dekada.

Facebook Comments