Bilang ng nasawi sa Vietnam dahil sa landslide, umabot na sa 60 katao

58

Tinatayang nasa 60 katao ang nasawi sa magkakahiwalay na landslide sa Vietnam dahil sa hagupit ng Bagyong Molave.

Umabot sa 11 kabahayan ang natabunan ng landslide sa dalawang distrito ng Quang Nam Province.


Habang 12 mangingisda ang naiulat na nasawi dahil sa paglubog ng kanilang bangka.

Nabatid na ang Typhoon Molave ang itinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa Vietnam sa nakalipas na 20 taon.

Facebook Comments