Bilang ng natatanggap na tawag ng One Hospital Command Center, bahagyang bumaba

36

Bahagya nang bumaba ang natatanggap na tawag ng One Hospital Command Center (OHCC).

Ayon kay OHCC Medical Officer Dr. Marylaine Padlan, sa ngayon ay aabot na lamang sa 300 hanggang 400 average calls kada araw ang kanilang natatanggap.

Mas mababa ito kumpara sa 400 hanggang 500 average calls noong nakaraang linggo.


Nabatid din na karamihan sa mga ito ay mula sa Metro Manila at CALABARZON.

Sa ngayon, tiniyak ni Padlan na nagdagdag pa sila ng tauhan bilang tugon sakaling tumaas muli ang bilang ng tawag na kanilang natatanggap.

Facebook Comments