Bilang ng pasahero sa mga paliparan, inaasahang aakyat sa 140,000 sa darating na Holy Week

Inaasahang dadagsa sa 140, 000 ang bilang ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa darating na Holy Week.

Sa Laging Handa briefing ipinaliwanag ni Manila International Airport Authority (MIAA) Sr. Assistant General Manager Bryan Co, na makalipas ang dalawa at kalahating taon mula ng COVID-19 pandemic, ngayong taon aniya ang unang Semana Santa na kapwa bukas ang domestic at foreign travel sa bansa.

Aniya, sa ngayon, nasa 120, 000 na pasahero na kada araw ang naitatala na NAIA.


Inaasahan aniya ang mataas na bilang ng mga pasahero, sa buong summer season, hanggang sa buwan ng Mayo.

Facebook Comments