Bilang ng PNP Personnel na gumaling sa COVID-19, mas marami kumpara sa mga nagpositibo sa virus

30

Mas tumataas ang bilang ng mga pulis na gumagaling sa COVID-19 kumpara sa bilang ng mga nagpopositibo.

Batay sa datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) Health Service, 14 lamang ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na 7,771 ang COVID cases sa PNP.


Lima ang naitala sa Police Regional Office Eastern Visayas, tatlo mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), dalawa sa Zamboanga Peninsula habang tig-isa naman ang naitala sa Western at Central Visayas, Davao at Cordillera.

Nasa 33 naman ang naitalang bagong gumaling sa PNP kaya may kabuuan nang 7,366 ang recoveries sa PNP.

Nanatili naman sa 25 ang nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments