Bilang ng PNP Personnel na tinamaan ng COVID-19, sasampa na sa 9,000

Umabot na sa 8,985 na bilang ng tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nagkasakit ng COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala pa ang Pambansang Pulisya ng 20 karagdagang kaso.

Sa datos, umabot na sa 8,612 ang gumaling matapos makapagtala ng 12 bagong recoveries.


Nananatili naman sa 27 ang bilang ng mga namatay.

Sa ngayon, nasa 346 ang aktibong kaso sa ahensya.

Facebook Comments