BILANG NG PUIs sa bansa, 556 na

41

Umabot na sa 556 ang bilang ng mga naitalang patient under investigation ng DOH dahil sa Coronavirus Disease 2019 (Covid-2019).

Gayunman, 420 sa mga ito ang nakalabas na ng ospital.


Nananatili naman sa 133 ang naka-admit na lamang hanggang sa ngayon.

Hindi naman na nadagdagan at nananatiling 3 lang ang naitalang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa.

Dalawa sa kanila ay gumaling na at ang isa naman ay namatay dahil sa Severe Pneumonia.

Sa kabuuan, umaabot na  sa 456 na samples ang nasuri ng RITM at negatibo naman sila sa virus.

Sa ngayon, nasa 50 sample na lamang ang nakapending at hinihintay ang resulta.

Facebook Comments