Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, patuloy na nadaragdagan

Nadagdagan pa ng pitong pulis ang tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) dahilan para umakyat ito sa 395 sa kasalukuyan.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), tumaas din ang bilang ng mga hinihinalang kaso na nasa 804 habang nadagdagan din ang mga probable cases na nasa kabuuang 715 na.

Sa kabila nito, apat pa ang nakarekober mula sa nasabing sakit habang nananatili sa lima ang mga nasawing pulis.


Sa ngayon ay nananatili sa Kiangan Billeting Center sa Camp Crame, Quezon City ang mga hinihinalang kaso ng COVID-19 mula sa PNP habang nananatili naman sa taekwondo quarantine facility at gymnasium quarantine facility ang mga probable na kaso.

Facebook Comments