Bilang ng reinfection rate sa bansa, mababa lamang at walang masyadong epekto sa kabuuang COVID-19 – DOH

34

Mababa lamang ang bilang ng reinfection rate sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Deparment of Health nang sabihin nilang inilalagay muli bilang bagong COVID-19 cases ang mga pasyenteng una nang gumaling pero nagpositibo muli sa virus.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walang masyadong epekto ang reinfection cases sa higit 865,000 na kabuuang kaso sa bansa.

Samantala, ayon kay Vergeire umabot na ngayon sa higit isang milyong Pilipino ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine habang higit 130,000 naman ang nakumpleto na ang dalawang dose ng bakuna.

Facebook Comments