BILATERAL MEETING | Ilang light moments ni Pangulong Duterte sa biyahe nito sa China ikinuwento ni Secretary Bong Go

Manila, Philippines – Bukod sa matinding usapan patungkol sa relasyon ng Pilipinas at ng China at paglagda sa ilang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa ay nagkaroon din naman ng mga light moments si Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Chinese President Xi Jin Ping.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, na ilan lamang sa mga napagusapan ng dalawang pangulo ay ang ninunong Chinese ni Pangulong Duterte.

Sinabi aniya ng Pangulo kay President Xi na ang kanyang lola sa tuhod ay mula sa Fujian Province.


Maging siya aniya ay tinanong ni President Xi kung saan nanggaling ang kanyang angkan sa China ng malaman nitong mayroon din siyang dugong Chinese.

Hindi din naman pinalampas ni Secretary Go ang pagkakataon at nagselfie din ito kay President Xi na game din namang ngumiti kasama ang tinaguriang Selfie King sa social media.

Facebook Comments