BILIB | Singer na si Pink, hinangaan ng ilang celebrities sa ginawa nitong pagtrato sa kaniyang mga bashers

14

Hollywood – Umani ng papuri ang singer na si Pink sa ginawa nitong pagtrato sa kaniyang mga bashers.

Nabatid kasi na binatikos si Pink ng isang twitter user kung saan sinabi nito na tumatanda na si Pink kaya at nararapat lamang na tawagin na daw siyang “purple”.

Sa ginawa naman pagsagot ni Pink, kaniyang iginiit na wala itong pagsisisi sa bawat minuto ng kaniyang buhay at naging masaya naman daw siya sa paglipas ng panahon.

Dahil dito, pinuri si Pink ng aktor na si Josh Gad at sinabing napaganda ang naging ugali nito.

Maging ang aktres na si Reese Witherspoon ay namangha sa pahayag ni Pink at sinabing hindi dapat ikahiya ang nasabing pagtanda.

Facebook Comments