BILLIARDS TEAM NG SAN JACINTO NHS, NAKASUNGKIT NG DALAWANG MEDALYA

Ngayong buwan ay ginaganap na ng mga iba’t ibang paaralan sa probinsya ng Pangasinan ang kanilang Intramurals at Athletic Competition kung kaya’t nakasungkit ng dalawang medalya ang billiards team ng San Jacinto NHS sa naganap na Division Sports Meet 2023 sa bayan ng Manaoag.
Ang dalawang estudyante na nakasungkit ng medalya ay sina Nicole Joy Aquino silver medalist at si Cristelle Dulatre naman ay bronze medalist. Si Nicole ay mula sa Barangay San Vicente at si Cristelle naman ay mula sa Barangay San Roque sa nasabing bayan.
Ayon sa kanila, nakakatulong ang paglalaro nila ng billiards upang mahikayat at mainganyo ang mga kapwa nila kabataan na maglaro upang makaiwas sila sa bisyo at hindi sila mapariwara. Dagdag nila, matagal na nilang kinahihiligan ang sports na ito at naging libangan na rin ito. Nagpapasalamat sila sa kanilang coach na si Coach Arnel Bautista dahil sa napaka supportive nito sa kanilang team at sa kanilang trainings.

Ang inspirasyon nila sa kanilang paglalaro ng billiards ay ang kanilang mga magulang. Suportado ang kanilang mga magulang dahil pati sa kumpetisyon ay nariyan silang nanonood at nagsabit ng medalya sa dalawang estudyante. |ifmnews
Facebook Comments