Bimbi Asuncion, Kinoronahan bilangMiss Ideal Queen 2022

20
Cauayan City, Isabela- Kinoronahan bilang Miss Ideal Queen 2022 si Bimbi Asuncion bilang kinatawan ng BUGAI youth sa katatapos na Coronation Night kagabi, May 15, 2022 sa F.L Dy Coliseum, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Bb. Asuncion, kumpiyansa umano sa sarili ang nagpanalo sa kanya at tiwala sa kanyang kakayahan na magagawa ito na maipanalo ang naturang gay beauty pageant.

Aniya, hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan sa mga beauty pageant para makamit ang title holder.

Batid nito na maraming binibining mas may higit pang kagandahan sa kanya pero kailanman ay hindi umano siya nawalan ng pag-asa na magagawa niyang maiuwi ang korona.

Samantala, kinoronahan naman bilang Miss Ideal Queen 4th Runner-up si Eisel Paguirigan, 3rd Runner-up Seth Mendoza, 2nd Runner-up Laine Cuaresma, 1st Runner-up Romulo Piosang.

Mensahe naman ni Asuncion sa katulad niyang miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Intersex, Queer and/or Questioning, and Asexual and/or Ally (LGBTQIA+), kailangan magtiwala at maging proud sa kakayahan na ipagmalaki ang angking talento ng isang miyembro ng LGBTQ.



Ang Miss Ideal Queen 2022 ay binubuo ng mga miyembro ng LGBTQIA+ sa Cauayan City na pinangungunahan ng mga Bamboo United Gay Association, Incorporated.

Facebook Comments