Binabantayang LPA, ganap nang bagyo at pinangalanang Quinta

1686

Bandang alas-2:00 kanina nang ganap nang naging bagyo ang Low Pressure Area o LPA sa silangang bahagi ng Mindanao na ngayon ay tinawag nang Quinta.

Alas-10:00 nang makapasok sa Philippine Area of Responsibility si Quinta at huling namataan sa 955 km silangang bahagi ng Mindanao at tinatahak ang direksyon ng northwestward na bahagi ng Bicol Region-Eastern Visayas area.


Pinaghahanda na ang Public and Disaster Risk Reduction and Management Offices sa mga lugar na tutumbukin ng bagyo para makapagsagawa ng precautionary measures.

Facebook Comments