BINALAAN | NFA, muling nagbabala sa mga negosyanteng hindi sumusunod sa SRP sa bigas

454

Manila, Philippines – Muling nagbabala ang National Food Authority (NFA) sa mga negosyanteng hindi susunod sa Suggested Retail Price na inilabas ng Department of Agriculture.

Paalala ng NFA, magsisimula na silang manghuli ng mga violator sa Biyernes, November 9.

Makakatuwang ng NFA ang DTI at PNP kung saan ang mga lalabag ay maaaring magmulta ng P2,000 hanggang isang milyong piso at pagkakabilanggo ng apat na buwan hanggang apat na taon.

Facebook Comments