BINALIGTAD RAW | Bayaw ni Baron Geisler, hindi pinagsisisihan ang pambububog sa aktor

Manila, Philippines – Hindi umano pinagsisisihan ng bayaw ni Baron Geisler na si Michael Robinstone Rodriguez Morales ang ginawa niyang pambubugbog sa aktor.

Aniya, deserve ito ni baron dahil sumusobra na raw ang aktor sa kabastusan at panggugulo tuwing nakakainom.

Kwento ni Morales, habang nagbibihis ang kanyang mag-ina ay bigla na lamang itong papasok at may mga negatibo pang sinasabi tungkol sa anak nilang si Marge.


Magsasampa din daw siya ng kaso laban sa aktor matapos nitong baligtarin ang pangyayari at palabasing siya pa ang may kasalanan.

Una rito, nag-post sa kanyang facebook si Baron ng video kung saan makikitang duguan ang kanyang mukha habang ikinukwento ang ginawang pambubugbog sa kanya ng kanyang bayaw.

Facebook Comments