Binata, nang blackmail ng girlfriend-kalaboso

61

Kalaboso ang isang binata matapos nang blackmail ng isang dalaga sa sinasabing naging girlfriend nito sa isinagawang entrapment operation ng Anti-cyber Crime Group na nakabase sa Camp Fermin Lira.

Ang nasabing suspek ay kinilalang si Alfie Testa, 22, residenti ng Nara St., Barangay Lagao Gensan. Alas 5:00 ng hapon nang isinagawa ang entrapment operation sa isang pension house sa Baranagy Lagao.

Sinabi ni Police chief Inspector Leo Dofeles, Hepe ng Anti-Cyber Crime Group Region-12 na nag suplong sa kanilang tanggapan ang isang dalaga na itago lang sa pangalang si Laly matapos itong pinagbantaan ng suspek na ipapakalat ang kanyang Nude photos sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan kung hindi ito makipagkita sa kanya.

Hindi na pumalag ang suspek ng itoy dakpin ng pulisya. Nahaharap naman ito sa patong patong na kaso dahil sa kanyang ginawa.

Facebook Comments