Binata, nasawi sa matinding init ng panahon sa Quezon City

100

Manila, Philippines – Pinaniniwalaan ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD na matinding init ng panahon at hypertension ang ikinamatay ng isang binata sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Ramon Dalisay, 55 anyos, matandang binata at residente ng Edsa Barangay Pinyahan, Quezon City.


Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Marlon Dela Rosa ng CIDU-QCPD napansin ni John Russel Javier na nahihirapang huminga ang biktima kayat agad siyang nagtungo sa Barangay upang ipag-alam ang naturang insidente.

Pagdating ng mga barangay tanod sa lugar ay wala nang buhay ang biktima kung saan dinala pa nila sa pinakamalapit na pagamutan subalit ideneklarang Dead on Arrival ang naturang biktima.

DZXL558

Facebook Comments