Binata, Patay ng Malunod sa Irrigation Canal

33

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang binata matapos itong malunod sa irrigation canal na sakop ng Brgy. San Antonio, Ramon, Isabela kahapon, June 11, 2021.

Batay sa report ng Ramon Police Station, kinilala ang biktima na si Jerry Romero, 19-anyos at residente nh Brgy. Rizal, Santiago City.


Sa imbestigasyon ng pulisya, mula sa lungsod ay nagtungo umano ang biktima kasama ang 2 iba pa sa Brgy. Pagrang-ayan sa Ramon, Isabela upang bisitahin ang kanyang kamag-anak.

Nagawa pa umanong itigil ng biktima ang lulan nilang tricycle sa irigasyon para linisin subalit ilang saglit lang ay tinangay ng malakas na agos ang biktima.

Sinubukan rin na iligtas ng mga kasama ni Romero subalit nabitawan ang biktima hanggang tuluyamh tangayin ng malakas na agos.

May kalaliman rin ang irigasyon na sinabayan pa ng nararanasang ulan sa mga nakalipas na araw.



Labis naman ang panghihinayang ng pamilya matapos ang insidente na nangyari sa kanilang kaanak.

Paalala naman ng pulisya na iwasan ang magtungo sa irigasyon upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.


Facebook Comments