BINATIKOS | Pagpapa-deport kay Sister Fox, binatikos ng liderato ng LP

Manila, Philippines – Binatikos ni Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan ang tuluyang pagpapatapon palabas ng bansa kay Australian nun Patricia Fox.

Para kay Pangilinan, ito ay nagpapakita ng kahinaan at pagiging duwag ng Duterte Administration.

Ayon kay Pangilinan, ang pagpapa-deport sa isang 70-taong gulang na masakiting madre ay patunay na walang lubos na kapangyarihan at lakas ang administrasyon.


Naniniwala si Pangilinan na isang tinik sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte si Fox dahil sa matinding pagpuna nito sa mga pag-abuso ng pamahalaan.

Facebook Comments