Binatilyo, arestado sa panghahablot ng cellphone sa Maynila

Tondo, Maynila – Arestado ang isang binatilyo matapos manghablot ng cellphone sa dalagang pasahero sa tricycle sa Tondo, Maynila

Sa kuha ng CCTV, makikitang nag-aabang ang binatilyo sa bangketa malapit sa isang paaralan sa Juan Luna Street sa Tondo.

Ilang saglit lang, nag-alis ng sapin sa paa ang lalaki at nilapitan ang biktimang nakasakay sa tricycle saka inagaw ang cellphone nito at kumaripas nang takbo.


Pero hinabol siya ng barangay security at naaresto.

Ayon kay kapitan Lourdes Guttierez ng barangay 163, ipinatawag lang nila ang ina ng binatilyo na nangakong pagsasabihan at gagabayan lalo ang anak.

Depensa naman ng suspek, na magdiriwang siya ng ika-18 kaarawan sa susunod na araw kaya napilitan siyang mang-agaw ng gamit ng iba para may maipanghanda.

Facebook Comments