Binatilyong gutom nagnakaw, huli sa Pangasinan

Dahil sa gutom ay napilitang magnakaw ang isang 18 anyos na binatilyo sa Brgy. Poblacion East, Asingan Pangasinan.
Kinilala ito na si Allan Palpal 18 anyos ang gulang at residente ng Brgy. Poblacion west.
Kinuha ng suspect ang isang baterya ng sasakyan na nagkakahalaga ng 6,000 piso na pagmamay-ari ng lokal ng Asingan.
Ayon kay Palpal ipambibili niya sana umano ang perang mapagbebentahan ng baterya upang may maipambili ng pagkain dahil ito ay lumayas sa kanilang bahay.
Ayon naman sa mga awtoridad ay haharap siya sa karampatang parusa para sa kanyang nagawa. [image: nagnakaw.png]

Facebook Comments