Binatilyong tumangay ng padyak sa Pasig, arestado

Pasig City- Arestado ang isang binatilyo nang makuhanan sa CCTV ang pagtangay sa isang padyak sa Pasig City.

Ayon kay James Magtibay, may-ari ng padyak – dala-dalawa na ang lock ng padyak at de numero pa para hindi basta mahulaan at matangay.

Pero sa sobrang pagod ay nakaligtaan niya na i-lock ito.


Namonitor agad ng mga taga-barangay ang kilos ng kawatan kaya naabangan nila agad ang suspek hanggang sundan at makorner ito.

Nalaman ng mga tanod na 16-anyos lang ang suspek at dayo mula sa ibang barangay na dati pa man ay may kaso na ng pagnanakaw.

Pinili naman ng biktima na huwag ng dalhin sa pulis ang kaso kaya pinakawalan din ang binatilyo.

Facebook Comments