BINIHAG | 4 na dinukot sa Zamboanga Del Norte, nakauwi na

36

Zamboanga Del Norte – Nakasama na ng kani-kanilang mga pamilya ang apat na mga kidnap victims matapos silang ma-rescue ng military troops sa barangay Libucon sa lungsod ng Sirawai sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte. Ang apat na sina Roger Jung-An, Jomar Maglangit, Jomar Mantangan at Raymond Purisima ay 9 na araw na nasa kamay ng mga abductors at tuluyang inabandona matapos hindi tumigil ang militar at pulisya sa kanilang hot pursuit operation. Ang apat ay itinurn-over sa 42nd infantry battalion ni libucon brgy. Captain mahari abdulla at mayor gamar janihim matapos silang makita ng mga residente doon. Ang mga biktima ay pawang mga chainsaw operators at trabahador na dinukot sa Barangay Panabutan sa nasabing lungsod noong Marso 3. Noong Miyerkules, Marso 7, na-recover ang isa nilang kasamahan na nakilalang si Mario Rosales, 46 anyos na nasawi sa crossfire sa nangyaring encounter sa pagitan ng mga mga otoridad at grupo ng mga kidnapper na pinamumunuan umano nina Jamilon Wahab at Bating Lumiguis. Ang apat ay agad isinailalim sa medical check-up at debriefing. Sa ngayon patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang mga kidnapper.

Facebook Comments