Nagsalita si Binmaley Mayor Pedro ‘Pete’ Merrera hinggil sa akusasyon ni Vice Mayor Sammy Rosario na ipinagkait umano ang paggamit ng Mobile Bus Clinic sa mga residente ng Binmaley.
Ayon kay Mayor Merrera, taliwas umano sa pinapalabas ni VM Rosario, hindi brand new ang higit P11 milyong pisong mobile bus clinic na pinag-gastusan ng kanyang administrasyon.
Diumano, refurbished at ang ibang parte ng clinic ay minasilyahan na lang umano kaya hindi na ito pwedeng mapakinabangan.
Pagkukuwestyon pa ni Merrera ang kahandaan umano ng mga propesyonal na magtatrabaho rito, tulad na lamang ng mga x ray technicians, radiologist at cardiologist na tila hindi umano pinag-isipan.
Paghahamon pa ni Mayor Merrera kay VM Rosario na magsabi ito ng totoo ukol sa nasabing bus clinic.
Sa ngayon, patuloy na kinukwesyon ng kasalukuyang administrasyon ang pondong nilaan dito na pumalo sa 11.9 million pesos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨