BINUKING | PRRD, nagmungkahing maghamunan ng barilan sina Trillanes at Paolo Duterte

Ibinuking ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahil kung bakit tatakbo sa Kongreso ang kanyang anak na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ayon sa Pangulo – ito ay para gantihan si Senador Antonio Trillanes IV sa pamamahiya nito.

Pero para matapos na ang alitan nina Trillanes at nakababatang Duterte, iminungkahi ng Pangulo na maghamunan na lamang sila ng barilan.


Bago ito, nagbitiw bilang bise alkalde si Paolo at kamakailan ay naghain ng kandidatura sa pagka-kongresista sa unang distrito ng Davao.

Si Trillanes naman ay nasa ikatlo’t huling termino nito bilang senador at hindi ito naghain ng Certificate of Candidacy (COC).

Matatandaang inakusahan ng senador ang dating vice mayor sa pagkakasangkot sa drug smuggling.

Facebook Comments