Binyag ng anak nina Toni Gonzaga at Paul Soriano, naging simple lamang TV host actress, hindi pa handang sundan si Baby Seve

167

Manila, Philippines – Naging simple lamang selebrasyon ang binyag ng anak ng TV host/ actress Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Pinili ng mag-asawa na ganapin sa Taytay Methodist Church ang nasabing binyag dahil memorable ito sa kanila.

Ayon kay Toni, napakaespesyal ng simbahang ito dahil dito siya bininyagan noon at dito rin sila nagpakasal ni Direk Paul.

Ang kapatid naman nitong si Alex Gonzaga ang kinuhang ninang at ang kapatid ni Paul ang nag-ninong.

Sinabi din ng TV host na hindi pa siya ready na magbuntis ulit at maaaring umabot sa apat na taon ang kanilang hihintayin bago masundan si Baby Seve.

Photo from: YouTube

Facebook Comments