BIR, hindi nababantayan kung nagbabayad ng tamang buwis ang kumikita sa digital platforms

Inamin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi nito namo-monitor kung nagbabayad ng tamang buwis ang social media personalities na kumikita mula sa kanilang content sa digital platforms.

Sa ikalawang pagdinig ng House Tri-Committee sa Kamara ay ipinaliwanag ni Atty. Tobias Arcilla ng BIR, nakabase lamang sila sa boluntaryong deklarasyon ng social media personalities ng kanilang kinikita.

Ayon kay Arcilla, sumasailalim sa cross-check ang idinedeklara ng vloggers mula sa foreign tax jurisdiction kung saan sila mayroong umiiral na treaties o kasunduan.


Dagdag pa ni Arcilla, random audit investigation lang ang kanilang nagagawa kung saan prayoridad ang mga itinuturing na “high-risk” bukod sa kasalukuyang tax laws ay hindi nila maaaring basta imbestigahan ang taxpayers.

Facebook Comments