BIR, ipinagmalaki na nalampasan nito ang target tax collection para sa buwan ng Agosto, 2022

60

Nalampasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang collection target nito para sa buwan ng Agosto ngayong taon.

Naitala ng BIR ang net of tax refund nito sa ₱228.938 billion.

Mas mataas ito ng 23.03% kung ikukumpara sa nakolektang ₱42.8 billion sa parehong buwan noong 2021.


Ayon pa sa BIR, mula January hanggang August 2022, ang total tax collection nito ay naitala sa ₱1.559 trillion.

Ito ay mataas ng 12.25% o katumbas ng ₱170.161 billion.

Ito ay kung ikukumpara sa nakolektang buwis sa parehong panahon noong nakaraang taon.



Ito ay kumakatawan sa 98% ng nakamit sa target ng BIR na ₱1.586 trillion sa parehong panahon.

Facebook Comments