Hindi ikinatuwa ng ilang Pangasinense ang di umano’y biro ni Dating Presidente Rodrigo Duterte na patayin na lamang ang labing limang senador upang makapasok sa senado ang mga ikinakampanya nito.
Ayon sa ilang Pangasinense, Nakakabahala umano ito seryoso man o hindi dahil buhay ang pinag-uusapan.
Hindi na rin magandang pakinggan ang paulit-ulit na pagmumura ng dating opisyal dahil maling halimbawa umano ito sa mga kabataan.
Sa kabila nito, ilan naman ang nagsabi na kung totohanin nito ang kanyang mga maaanghang na salita ay nasa kanya nang diskresyon.
Kamakailan inirerekomendang kasuhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group si Duterte matapos ang banta nitong papatayin ang ilang kumakandidatong senador sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments